38

Nov 22, 2021 @ 15:21
By

Ninong, ninang walang ligtas! Digital wallet gamitin sa pasko – BSP

Iminungkahi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Lunes na mamigay na lang ng pamasko sa pamamagitan ng mga digital wallet upang maging ligtas pa rin sa gitna ng pandemya.

“Digital wallets offer a safe, secure, efficient, and convenient way to transfer funds to family and friends during this season of giving,” saad ni BSP Governor Benjamin Diokno.

Dugtong pa ni Diokno, mas epektibo ang paggamit ng mga digital wallet sa pagbibigay ng aguinaldo dahil hindi na kailangan pang lumabas ng mga bata para mamasko.

“This will allow the Filipino tradition of giving aguinaldo to family, friends, and significant others to continue despite restrictions on mobility and face-to-face gatherings,” wika pa ni Diokno.

Ang mga digital wallet, gaya ng GCash at PayMaya, ay naging popular sa publiko bunsod ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?