410

Sep 26, 2019 @ 17:37
By

‘Ninja cop’ sa binigay na listahan kay Duterte, abot sa 762

Isinumite ni Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 762 pangalan ng mga pinaghihinalaang mga “ninja cop” sa kanilang pagpupulong Miyerkoles ng gabi.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na nagkausap na sila ni Pangulong Duterte at binigyan niya ng updates tungkol sa kampanya kontra droga at internal cleansing program.

Ayon kay Albayalde, ang 762 pulis na nasa listahan na isinumite niya kay Pangulong Duterte ay sangkot sa reselling ng mga nakumpiskang iligal na droga gayundin ang mga nakuhang payola mula sa mga sindikato ng iligal na droga na nag-o-operate sa bansa.

Sa ngayon ang mga nabatid na pulis na nasa listahan ay patuloy na iniimbestigahan ng

Integrity Monitoring and Enforcement Group Unit ng PNP na humahabol sa mga police scalawag.

Halos magkakapareho naman aniya ang mga pinaghihinalaang “ninja cops” ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP dahil sa sharing ng intelligence information at ang Pangulo na umano ang bahalang maglabas ng mga pangalan ng mga ito sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?