229

Sep 10, 2021 @ 16:46
By

Ninang nagulat, siya pala bride sa kasal

Ikinagulat ng isang 66-anyos na ginang mula sa Talisay City nang malamang siya pala ang bride sa dinaluhang kasal.

Buong akala kasi ni Elizabeth Arrey na magni-ninang siya sa pinuntahang kasal pero iyon pala ay siya ang bride nito.

Ang mga anak daw ni Elizabeth ang may pakana nito para sa 40th wedding anniversary ng kanilang mga magulang.

Kuwento ng anak ni Elizabeth sa 24 Oras, kinuntsaba nila ang isang kaibigan para ito kunyari ang ikakasal at kinuhang ninang ang kanilang nanay.

Pero laking gulat ni Elizabeth nang dumating sa simbahan at nang buksan ang pinto ay naghihintay ang asawa niyang si Arnold na may hawak na bulaklak.

Napahagulgol daw si Elizabeth sa sorpresa ng mga anak sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?