2,975

By

Ninakaw ni Calida ang amnesty records ko! – Trillanes

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Solicitor General Jose Calida ng pagnanakaw ng kaniyang aplikasyon para sa amnestiya upang magkaroon ng dahilan ang administrasyon na siya ay ipakulong.

Ang kawalan ng kopya ng application form ang ikinatwiran ng Malacañang sa alegasyon na hindi ito nag-aplay para sa amnestiya mula sa administrasyong PNoy kaya ito binawi binuhay ang mga kasong rebelyon at kudeta laban sa senador.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Trillanes na si Defense Secretary Delfin Lorenzana mimso ang nagsabi nitong nagdaan na Agosto 16 na hiningi ni Calida ang kaniyang amnesty documents.

Matapos iyong makuha, nagpagawa umano si Calida ng sertipikasyon na walang amnesty application ang senador.

“Kung meron mang nagtago o sumira ng application document ko ay si Mr. Calida tapos ginagamit nila ‘yan (laban sa akin),” sabi ni Trillanes.

Dahil dito, hinamon nito sina Lorenzana, AFP Chief Of Staff Gen. Carlito Galvez at mga opisyal ng AFP na magpakalalaki at patotohanan na nag-aplay siya para sa amnestiya.

“Nananawagan ako sa AFP, sa DND, partikular yung J1 (AFP Deputy for Personnel)… dapat magkaroon ng bayag itong AFP at DND leadership to say publicly na meron akong application form at mali ang contention (ng DOJ) na wala ako nyan,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?