50

Oct 8, 2021 @ 19:39
By

Niña Jose tatakbong yorme sa Pangasinan

Target ni dating “Pinoy Big Brother” housemate Niña Jose-Quiambao na maging “ina” ng Bayambang, Pangasinan.

Papalitan niya ang asawang si Cezar Quiambao bilang mayor ng nasabing bayan.

Si Raul Sabangan ang vice mayor niya.

“Ipagpapatuloy natin ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan at tutuparin natin ang mga pangarap na binuo natin para sa ating bayan,” ani Niña sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?