113

Jul 19, 2021 @ 18:15
By

‘Nilupak cake’ ng ginang sa anak nagpaantig sa netizens

Naantig ang maraming netizen sa ginawang effort ng isang ina para mapasaya sa kaarawan ang kanyang anak sa Maasin, Southern Leyte.

Hirap kasi sa buhay sina Nanay Lea Orito Cruza kaya naman gumawa na lamang siya ng nilupak na saging na hinulma niyang parang cake sa ika-11 kaarawan ang kanyang anak na si Lixter.

Simple lang umano itong paraan pero punong-puno naman ng pagmamahal.

“Maligayang kaarawan anak! I wish you good health, at kumain ng marami upang tumaba ka. Inaasahan kong kakainin mo ang lahat ng nilupak na cake na ito na ginawa ko para sa iyo. Napagod ako sa kakadikdik nito. Mahal kita,” saad ni Cruza sa Facebook post sa wikang Bisaya.

Mayroon na itong 49,000 reactions; 2.6K comments at 15,000 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?