356

By

Nilunok ang pride! ‘Muhammad Ali’ trophy hiniram ni Donaire

Hindi man nakuha ni Filipino pride Nonito ‘Flash’ Donaire ang inaasam niyang kampeonato at tropeo sa kanilang bakbakan ni Japanese fighter Naoya Inoue sa World Boxing Super Series Bantanweight Grand Prix Final, tinupad pa rin niya ang pangako sa kanyang mga anak na iuuwi ang Muhammad Ali trophy nang hiramin niya ito sa nagwaging katunggali.

“I came to Japan to take the Muhammad Ali trophy. I promised my sons they would see it in the morning,” pahayag ni Donaire. “And with tears in my eyes, I humbly asked Inoue to borrow it for a night, not for me but for my [world.]”

Dahil ayaw niyang tila kaawaan siya ng kanyang mga anak, makitang sugatan at walang bitbit o pasalubong na trophy gaya ng kanyang pinangako ay wala siyang sinayang na pagkakataon at hindi na nagdalawang isip na hiramin ito sa kampo ng kalaban kahit isang gabi lang.

“It’ll pain them to see my face. They’ll kiss my wounds. They’ll see a trophy we don’t get to take home and understand what it means to want to train harder,” sambit pa ni Donaire.

Hindi naman binigo ni Inoue si Donaire at bukal sa loob na pinahiram ang golden trophy kung saan pinost pa ito ni Donaire sa kanyang Facebook kalakip ang isang short video clip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?