152

Jan 5, 2020 @ 17:16
By

Niloloko ang mga Pinoy! Angkas Singaporean ang may-ari – DOTr

Pinaratangan ng Department of Transportation ang Angkas na sutil at arogante dahil nilalabag nito ang batas dahil hindi nito ipinaaalam na ito ay pag-aari ng dayuhan.

“…in a blatant display of defiance and arrogance, not how Angkas or DBDOYC (its registered corporate name) did not disclose to the riding public that it is a 99% foreign-owned corporation,” sabi ng DoTr.

Dahil ang motorcycle taxi service ay maituturing na common carrier, sinabi ng DOTr na nilalabag ng Angkas ang batas dahil 60% Filipino-owned dapat ang mga common carrier.

Sabi ng DoTr, nasa records ng Securities and Exchange Commission na ang Angkas ay 99.996% na pag-aari ni Angeline Xiwen Tham, isang Singaporean na nasa P9.8 milyon ang halaga ng subscribed shares sa kompanya.

Si Tham din ang naka rehistrong presidente ng Angkas sa SEC, sabi ng DoTr.

Pinaalala ng DoTr sa Angkas na bumibiyahe lamang ito dahil sa motorcycle taxi pilot study na pinagbigyan lamang ng technical working group (TWG) sa kabila ng mga isyu nito at ng pagbabalewala nito sa batas sa transportasyon sa negosyo nito.

Dagdag pa ng DoTr, nakikipagkuntsabahan pa ang Angkas sa Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) para pagdudahan ang TWG at gumagamit pa ito ng professional na PR agency, ang Geisermaclang, para siraan ang TWG.

Sabi ng DoTr, kung totoong kaligtasan ng pasahero ang layunin ng LCSP, bakit tanging ang pagpasok lamang ng Joyride ang pinupuntirya nito at bakit ito bulag sa paglabag sa batas ng Angkas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?