111

By

Niloko kami! Mislatel consortium kakasuhan ni Singson

Sharing is caring!

Hiniling ni dating Ilocos Sur governor Luis ‘Chavit’ Singson sa National Telecommunications Commission (NTC) na idiskwalipika ang nanalo sa bidding na Mislatel Consortium bilang bagong major telco player sa bansa.

Binantaan ni Singson na idedemanda ang Mislatel Consortium dahil sa paglabag nito ng kanilang exclusive franchise agreement, na sinasabing nag-invest umano ng milyong shares ang TierOne Communications sa Mislatel.

“Why did Mislatel Consortium entered into a partnership with Dennis Uy’s Udenna Corp.? We bought shares from Mislatel. It should have not talked to Uy. We sensed we are being fooled,” pahayag ng dating Ilocos Sur governor.

“That is fraud. At the soonest possible time, we will be filing a case. Our lawyers are preparing the case,” giit pa nito.

Saad ng abogado ni Singson na si Raoul Creencia, “Mislatel misled us. It committed misrepresentation, a violation of the bidding rules.”

Iginiit naman ng Sear Telecom’s chief technical officer na si Eduardo Millana, ang consortium na pinangungunahan ni Singson ay maaaring maghandog ng mas ’20 times faster internet service’ sa buong bansa.

“With due respect, this declaration deserves to be reexamined as Mislatel’s submitted bidding agreement is a total falsity tainted with contractual fraud and misrepresentation. Convinced that the public has the right to know, Sear’s representative attempted to bring this to the Supreme Court’s attention that the same day, but a particular ground rule has been cited that foiled such effort. Hence this request.” base sa apela ni Millana sa NTC’s selection committee secretariat.

Ayon kay Millana, ang TierOne Communications ay maaaring magbigay ng 55-mbps na internet service sa unang taon nito sa operasyon.

Sa kabilang banda, ang Mislatel Consortium na nagpaskil ng ‘performance bond’ na P14 billion at nangakong magbibigay ng internet speed na 55 Mbps sa ikalimang taon nito.

Magugunitang idineklara ng NTC nitong Miyerkules ang Mislatel Consortium ni Davao City-based businessman Dennis Uy bilang pangatlong provisional telco ng bansa.

Ang Udenna Corp ay sangay ng Chelsea Logistics Holdings Corp at China Telecommunications Corp.

Diniskuwalipika ng gobyerno ang TierOne Communications at Sear Telecom dahil sa pagkabigo nitong maglagay ng security fee na P700 milyon, habang ang Philippine Telegraph at Telephone Corp ay hindi tinanggap dahil sa kabiguan nitong magpasa ng mga kaukulang kinakailangan.

“I have a manager’s check of P700 million with me right now. If the NTC will allow me to pay now, I will do so,” saad ni Singson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }