20
suicide5
By

Nilayasan ng asawa, silver cleaner tinungga

Sharing is caring!

Patay ang isang street sweeper na lalaki matapos lagukin ang isang bote ng silver cleaner sa Binondo, Maynila.

Kinilala ng mga imbestigador ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Marcelo Flores Aguirre, 53-anyos, residente ng Vitas, Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng Homicide Section ng MPD, lubhang dinamdam ng biktima ang pag-iwan sa kanya ng misis dahilan para ito ay magpatiwakal.

Nabatid na nag-iwan pa si Aguirre ng suicide note na narekober sa tabi ng kanyang mga labi kung saan humihingi ito ng tawad sa kanyang mga anak.

Ang naturang suicide note ay nakuha ng kaibigang tricycle driver ni Aguirre na si alyas Jeck-jeck.

Ayon kay SPO3 Donald Panaligan, ng Homicide Section, nakita ni alyas Jeck-jeck ang nakalugmok at wala nang buhay na biktima sa nakaparada nitong sidecar sa panulukan ng Pinpin at Carvajal Streets.

Isang Rodel Baez, 40-anyos, na isa ring tricycle driver, pa ang umagaw noon sa silver cleaner kay Aguirre, hinagis ito sa ilog at kinumbinsi itong masarap mabuhay.

Gayunman, nang bumalik aniya siya sa terminal bandang tanghali ay nakita niya lamang na nagkakagulo na ang mga tao at nadiskubre ang wala nang buhay na si Aguirre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?