17

Jul 19, 2021 @ 20:44

Nilasing na nene, pinapak ng ex

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang teenager makaraang lasingin at halayin ang dating menor-de-edad na nobya sa loob ng kanyang tahanan sa Novaliches Quezon City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Anjo Mendoza Horario, 19, binata, taga-Brgy. Gulod, Novaliches. Siya ay kinasuhan ng paglabag sa RA 7610 o child abuse.

Sa report ni PCpl Racquel C. Graneta, ng Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District ng Novaliches Police Station 4, alas-5:00 ng hapon (July 17), nang maganap ang insidente sa Sitio Luisito, Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Aling Michelle, ang suspek at ang anak niyang itinago sa pangalang Nene, 15-anyos ay dating magkasintahan.

Niyaya umano ni Horario ang mga kaibigan, kasama ang dating kasintahan na mag-inuman sa bahay nito.

Makalipas ang ilang oras, nang makitang lasing na si Nene ay hinimok ito ng ex na matulog muna sa kanyang silid at doon ay pinagsamantalahan na ng suspek.

Nang mawala na ang tama ng alak ay naramdaman ng biktima ang pananakit ng kanyang kaselanan kaya isinumbong na nito sa kaniyang ina ang panghahalay sa kanya ng ex-lover. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?