63

Jun 21, 2021 @ 18:03
By

Nilangaw mga vaccination site! Walk-in pinayagan uli ni Isko

Matapos ianunsyo na hindi na papayagan sa mga vaccination site sa lungsod ng Maynila ang mga walk-in na magpapabakuna simula ngayong Hunyo 21, binawi ito ni Mayor Isko Moreno.

Maaari na muli ang mga walk-in sa mga vaccination site matapos makapagtala ang lungsod ng mababang vaccination turnout o bilang ng mga magpapabakuna.

“NEWS ALERT: Manila City Mayor Isko Moreno allows walk-in clients in all vaccination sites following low vaccination turnout. Directive was issued at around 4:30 pm today,” tweet ng Manila Public Information Office.


Apat na mall site ang nag-report ng mababang vaccination turnout bandang alas-11 ng umaga matapos simulan ang no walk-in policy ng Manila government ngayong Lunes.

Ang no walk-in policy ay matapos ang mga ulat ng pagkakagulo at singitan sa pila sa vaccination site sa Maynila nitong weekend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?