85
Nilampaso si Harden, Curry: Antetokounmpo, waging MVP!
By ,

Nilampaso si Harden, Curry: Antetokounmpo, waging MVP!

Pinangalanan si “Greek Freak” Giannis Antetokounmpo bilang Most Valuable Player (MVP) ng NBA, sa ginanap na NBA awards ngayong Lunes (Martes sa Pilipinas) sa Los Angeles sa Amerika.

Ang 24-anyos na si Antetokounmpo ang ikalawang Milwaukee Bucks player, kasunod ni Kareem Abdul-Jabbar at pangatlong pinakabatang MVP sa loob ng 40 taon, kasunod nina Derrick Rose at LeBron James.

Nasungkit ng tubong Athens, Greece ang parangal dahil sa 78 of 101 boto habang pumangalawa naman si James Harden na may 23 votes.

Sinundan ito ni Paul George ng Oklahoma City, Nikola Jokic ng Denver at Stephen Curry ng Golden State.

“MVP is not about stats and numbers. It is all about winning and all about making sure you go out there and do everything you can to win,” wika ni Antetokounmpo. “I think that is what we did as a team.”

Naging motibasyon ni Antetokounmpo na maipanalo ang MVP plum ang pagkamatay ng kanyang ama at ang hamon na binigay ni Kobe Bryant sa Twitter.

Sa 2019-20 season, nag-average ng 27.7 points, 12.5 rebounds at 5.9 assists per game at siya rin ang napiling 2019 All-Star team captain kasama si James at siya rin ang kauna-unahang player na nag-average ng 25 points at 10 rebounds per game sa isang team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?