348

By

Nilalabas na sulfur dioxide ng Taal Volcano, sumirit

Tumaas ang sulfur dioxide emission ng Taal Volcano habang patuloy ang aktibidad ng bulkan.

Ayon sa inilabas na bulletin ng Phivolcs nitong Sabado, alas-8 ng umaga, may aversge na 409 tonnes ng sulfur dioxide ang nilalabas ng bulkan.

Mas mataas ito sa 224 tonnes kada araw na naitala noong Biyernes.

Biyernes naman ay nasa anim na volcanic earthquake ang naramdaman sa bulkan.

Nanatili namang nakataas ang Alert Level 4 sa Taal Volcano, ibig sabihin ay posible ang explosivr eruption sa mga susunod na araw o oras.

“DOST-PHIVOLCS recommends total evacuation of Taal Volcano Island and high-risk areas as identified in the hazard maps within the 14-km radius from Taal Main Crater and along the Pansipit River Valley where fissuring has been observed,” saad sa bulletin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?