30

Nov 17, 2020 @ 20:03
By

Nilaglag sarili! Kelot sinuot sa korte parehong damit sa pagnanakaw

Kulong agad ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw dahil sa kanyang paboritong t-shirt.

Ayon sa Goose Creek Police Dept., naaresto ang isang lalaki na hindi pinangalanan matapos na mapansin na pareho ang suot nitong damit sa ginawang pagnanakaw at noong pumunta sa korte.

Nakita sa CCTV na nakasuot ang suspek ng isang berde na kulay na damit na kapareho ng suot ng suspek sa kanyang hearing sa korte.

Ang lalaki ay dinampot dahil sa pagnanakaw ng isang package mula sa isang bahay sa South Carolina.

“Well, sometimes people actually do make our job easy. This guy decided to come into our courtroom the day after the first post was made and lucky for us he was even wearing the same shirt,” ayon sa Goose Creek Police Department.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,