8

Jul 23, 2020 @ 15:23
By

Nikki Valdez: Tao lang din kami!

“Subukan natin ilagay ang mga sarili natin sa sitwasyon ng iba bago tayo magsalita.”

Pinunto ito ni aktres Nikki Valdez para sa mga bumabatikos sa mga celebrity, lalo pa iyong mga maingay sa iba’t ibang isyu gaya ng ABS-CBN shutdown.

Sa Instagram, Linggo, nilakip ni Valdez ang quote na “If you can’t be kind, be quiet.”

May mensahe rin siya para sa mga basher:

“We may be “artistas” or public figures whose lives are exposed to the public but you have to remember, tao lang din kami. So pag may sinabi kayong hindi maganda, do you expect us to just let it go? Pag sumosobra na kayo, hindi naman ata pwede yun.”

“Pwede naman kasi magcomment nang hindi nambabastos. I believe we were all taught to think before we speak. Sana pwede pa natin ipractice yun.”

“Subukan natin ilagay ang mga sarili natin sa sitwasyon ng iba bago tayo magsalita for we will never understand what others are going through until we are in the same situation as they are,” sey pa ng aktres.

Kabilang si Nikki sa mga tumindig at naki-rally para sa Kapamilya network, na tinanggihang mabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso.

Sabi niya noong nakaraang linggo, kabilang ang kanyang asawa na si Luis Garcia sa libu-libong kawani ng ABS-CBN na mawawalan ng hanapbuhay sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?