31

Oct 10, 2021 @ 18:51
By

Nikki Gil pinasilip bagong dyunakis

Nanganak na kamakailan ang singer-actress na si Nikki Gil ng isang health baby girl.

Pinasilip ni Nikki sa kanyang IG post ngayong Linggo si baby Madeline Elle.

“Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago,” saad sa post ng singer.

“Thank you Lord for our sweet Maddie,” dugtong pa niya.

Si Madeline ang ikalawang anak ni Nikki sa asawang si BJ Albert.

Taong 2017 nang isilang ng singer ang una nilang anak samantalang sa ngayon ay anim na taon na silang kasal ng asawa. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CU11MrEhQdv/?utm_source=ig_embed&ig_rid=6b0b912e-503e-4aff-849d-7418b2260b05

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?