84

Nikki Gil, baby boy ang unang anak

Sharing is caring!

Nanganak na ang singer-actress na si Nikki Gil-Albert kahapon, November 20.

Isang baby boy ang unang anak ni Nikki at asawa nitong si BJ Albert.

Pinangalanan nila itong Finn.

Unang kinumpirma ni Gil ang kanyang pagdadalantao noong Hulyo sa pagpo-post niya ng litrato na kita ang kanyang baby bump.

Ikinasal sina Nikki at BJ sa isang garden ceremony sa Laguna noong November 2015.

Nagkakilala ang dalawa dahil sila ay magkaklase sa Ateneo de Manila University.

Sa Instagram ni Nikki ipinakita niya ang larawan ng kanyang baby.

Aniya, “Dear moms, I get it now… hello my darling Finn. I still can’t believe you’re mine. Thank You God for this beautiful beautiful gift also, happy second wedding anniversary to my co-producer @bj_albert.”

Ilan sa mga follower naman nito ang masaya at bumati sa panganganak ng dating VJ.

Sabi ng isa, “Wow congratulations to my idol @nikkigil so happy for you. Happy birthday to your baby. Much love. God bless you and your family.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?