82
Misis nalunod sa balde ng tubig
Nov 27, 2019 @ 16:24
By

Nigerian tumalon sa ilog sa Mandaluyong

Isang nakaposas na Nigerian national ang nasagip ng nagpapatrolyang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos makitang lumalangoy na tila may kinatatakutan sa bahagi ng Pasig River, Miyerkules ng umaga sa Barangay Jolo, Mandaluyong City.

Ayon sa report ng Mandaluyong Police, natagpuan ang hindi pa nakikilalang banyaga sa ilog na bahagi ng lungsod at agad nasagip ng PCG na nakaposas ang mga kamay, nakasuot ng polo shirt at shorts saka dinala sa kanilang tanggapan.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng Nigerian national dahil hindi ito masyadong marunong magsalita ng English.

Ayon sa dayuhan, galing na siya sa Makati Police Station subalit hindi na nito dinetalye kung sino ang naglagay ng posas at kung bakit siya tumalon sa ilog.

Saad naman ng pulisya, hindi galing sa pulis ang posas at posibleng mula sa isang sibilyan ang posas na nilagay sa banyaga.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng Nigerian national, dahilan ng pagtalon niya sa ilog at kung sino ang kinatatakutan. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?