22

Jan 7, 2022 @ 22:12
By

Nievarez sasagwan sa virtual Asian rowing

Pangungunahan ni 2020+1 Tokyo Olympian Cris Nievarez ang ang national rowing team na papalaot sa 2022 Asian Rowing Virtual Indoor Championships sa Enero 15, ipinahayag Biyernes ng Philippine Rowing Association.

Lalaro si Nievarez sa Under 23 men’s 2000 meter at Under 23 men’s 500m, kasama sina Zuriel Sumintac sa Lightweight men 2000m at Lightweight men 500m, Athens Greece Tolentino, Christian Joseph Jasmin, Emmanuel Joseph Obana, Joachim de Jesus at Van Maxilom sa Under 23 lightweight men 2000m at Under 23 lightweight men 500m category.

Sasabak naman sina Amelyn Pangulayan sa Open Women 2000m, Kristine Paraon sa Under 23 women 2000m at Under 23 women 500m, Alyssa Go sa Under 23 lightweight women 2000m, Pagulayan at Joanie Delgaco sa Open Women 500m, at Go at Kharl Julianne Sha sa Under 23 lightweight women 500m event.

Ang paligsahan ay qualification event para sa 2022 World Rowing Indoor Championships na nakatakda sa Pebrero 25-26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?