abante-tnt-vismin-eac
By

Nieto, Tuffin nangibabaw, Gilas nilampaso ang EAC

Sharing is caring!

PINABAGSAK ng Gilas cadets ang Emilio Aguinaldo College Generals, 82-69, upang matagumpay na wakasan ang kanilang kampanya sa 2018 FilOil Preseason Cup sa Filoil Flying V Center, San Juan Martes nang gabi.

Kaagad na pumutok ang Gilas cadets sa tono ng 11-0 run sa simula ng laro upang itarak ang 13-2 abante.

Lalo pang nilubog ng Gilas ang Generals nang biglang lumobo ang lamang sa bente, 59-39, sa gitna ng 3rd nang magsimulang mag-init ang kamay ni Ateneo stalwart Matt Nieto.

Sa 4th, naidikit ng EAC ang iskor sa 59-48 ngunit tuluyang pinatahimik ni UP guard Ricci Rivero ang Generals nang magpakawala ng tres at hindi na muling pinabangon ang Generals sa puntong ‘yon.

Bumida sa Gilas sina Nieto na may 15 puntos at FEU gunner Kenneth Tuffin na may 13.

Nagbuslo rin ng 10 puntos ang nasa hot seat ngayong si Ricci Rivero dahil sa paninigaw ng fans. May limang puntos naman si Gilas star Kobe Paras.

Tinapos ng Gilas ang kampanya sa torneo hawak ang 4-5 kartada habang nanatiling walang panalo sa walong laro ang Emilio Aguinaldo College.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?