38

Jun 19, 2021 @ 20:57

Nieto, Navarro, Tungcab balik Gilas kontra Korea

BALIK sa lineup ng Gilas Pilipinas sina Mike Nieto, William Navarro at Jaydee Tungcab sa rematch kintra South Korea ngayong Linggo sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Aasahan ni Tab Baldwin ang leadership ni Nieto habang balik naman sa koponan sina Navarro at Tungcab, na inalis nitong nakaraang Biyernes kontra Indonesia.

Inaasahan namang mangunguna sa Gilas sina Dwight Ramos, Kai Sotto at naturalized-cager Ange Kouame para panatilihing flawless ang record na 5-0.

Dagdag puwersa rin sina RJ Abarrientos, Justine Baltazar, Isaac Go, Jordan Heading, Geo Chiu at SJ Belangel.

Hindi naman present sa round 2 kontra SoKor si Carl Tamayo na nagtamo ng grade one ankle sprain pati sina Javi Gomez de Liano at Lebron Lopez. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?