55

By

Nieto, Ateneo tinuka ang La Salle

‘Di pinaporma ni Mike Nieto at ng Ateneo Blue Eagles ang La Salle Green Archers, 81-69, Linggo ng gabi sa 82nd University Athletic Association of the Philippines seniors basketball tournament 2019 1st round elims sa Araneta Coliseum.

Kumawala ang kampo ng Blue Eagles sa first half ng laban, 51-29, sa pasimuno sa opensa ni Mike Nieto na may 18 points, limang rebounds, apat na assist, at kambal nitong si Matt na nagtala ng 15 at 3 boards.

May kontribusyon din sa ikalawang panalo ng koponan si best player Gian Mamuyac na na naka-14 pts., 4 rebs.,at tig-2 assists at steal, habang si Ange Kouame ay may anim na puntos, 19 rebs. at 5 block para bulilyasuhin ang debut ng mahigpit na karibal sa walong paaralang liga.

Sa huling tatlong minuto ng fourth quarter, nakadikit ang La Salle sa walong puntos, 75-67, mula sa 51-29 lead ng Ateneo sa halftime dahil sa 21-1 attack sa second period. Ngunit ‘di nagpasindak ang Blue Eagles.

“I think that break we had at the end of the second quarter was a surprise to us and it was a surprise for them, and in the end it was the cushion I think that we depended on in the second half,” sina ni wining coach Tab Baldwin. “This is a typical Ateneo-La Salle game, this was tough in every way.”

Walang saysay ang angas sa Green Archers nina Jamie Malonzo na may 18 pts., 10 rebs. at 2 steals, Andrei Caracut na may 14 pts. at Justine Baltazar na may 10 pts. at 12 rebs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?