19
Donnie Nietes
By

Nietes, Palicte umbagan sa 115-lb. title sa Cebu

Sharing is caring!

NAKATAKDA ngayong Agosto ang isa pang salpukan ng kapwa-Pinoy para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) 115-pound crown sa pagitan nina Donnie ‘Ahas’ Niete at Aston Palicte na gaganapin sa Cebu.

“We have a done deal but we haven’t signed the contracts yet because there’s still minor details we have to see in and out, but it’s going to be August 18, Cebu City,” ayon kay ALA Promotions chief Michael Aldeguer, may hawak sa karera nina Nietes at kay IBF super flyweight ruler Jerwin Ancajas na nakatakdang makipagsalpukan sa kababayang si Jonas Sultan sa Mayo 26 sa Fresno, California.

Unang salpukan ito ng kapwa-Pinoy sa nagdaang 93 taon kasunod ng 1925 encounter nina champion Pancho Villa kontra challenger Clever Sencio sa Wallace Field sa Luneta, Maynila na pinagwagian ng una.

Kagagaling lamang ni Nietes, 36, sa matagumpay na pagdepensa ng kanyang IBF flyweight world title nitong Pebrero bago nagdesisyon umakyat sa mas mataas na super flyweight division nitong Abril.

Kasalukuyang nasa Amerika ang longest-reigning Pinoy boxing champion at nagsisilbing sparring partner ni Ancajas para sa laban nito kay Sultan.

Mas bata si Palicte, 27, at tubong Negros din gaya ni Nietes. Nasa pangangalaga ito ng Roy Jones, Jr. Boxing Stable.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?