9

By

Nietes, Palicte magrarambol para sa WBO super flyweight belt

Sharing is caring!

Kasado na ang bakbakang All-Pinoy sa pagitan nina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Aston ‘Mighty’ Palicte para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) super flyweight title ngayong araw ng Sabado (Linggo sa Pilipinas, Setyembre 9) sa The Forum sa Los Angeles, California.

Sumabak na sa official weigh-in ang dalawang Pinoy fighter at tumimbang si Nietes ng 114.8 pounds, habang si Palicte naman ay rumehistro ng 114.6 libras.

Bukod sa main event na ito, dalawa pang Pinoy ang sasabak sa lona.

Makikipagsuntukan para sa International Boxing Federation (IBF) super flyweight intercontinental title ang Cebuano na si Bruno ‘The Aloha Kid’ Escalante, na tumimbang ng 114.2 pounds, habang ang kalaban nito na si Alexander Marin ay sumobra naman ng 0.2 sa 115-pound weight limit.

Samantala, ang Filipino-Australian na si Louisa ‘Bang Bang Lulu’ Hawton ay makakaharap ang Mexican boxer na si Brenda ‘La Bonita’ Flores para sa World Boxing Council (WBC) Women’s Atomweight World title.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }