donnie
By

Nietes, Palicte brasuhan sa WBO 115-pound title

Sharing is caring!

Inatasan ng World Boxing Organization (WBO) ang Pinoy boxers na sina No. 1 ranked contender Donnie Nietes at No. 2 ranked Aston Palicte para paglabanan ang bakanteng WBO 115-pound world title.

Isa na naman itong umbagan ng dalawang Pinoy para sa world crown gaya nina IBF superfly world champion Jerwin Ancajas na magdedepensa ng korona laban kay Jonas Sultan sa Mayo 26 sa Save Mart Arena sa Fresno, California.

Huling nagsagupa ang dalawang Filipino sluggers para sa world belt 93 taon na ang nakalilipas nang maidepensa ni hall-of-famer Pancho Villa (Francisco Guilledo) ang flyweight belt sa kapwa-Pinoy na si Clever Sencio sa Luneta.

Sa liham na nakarating sa promoter ni Nietes na si Michael Aldeguer ng ALA Promotions at sa promoter din ni Palicte na si Roy Jones. Jr. ng RJJ Promotions na may petsang April 30, 2018, inatasan ni WBO championship committee chairman Luis Batista Salas ang dalawang promotor na mag-usap kaugnay sa gagawing laban sa loob ng 10 araw.

“Please be advised the parties have ten (10) days to negotiate an agreement for the Vacant WBO World Jr. Bantamweight Championship bout between Donnie Nietes vs. Aston Palicte. If an accord is not reached within the time frame stated herein, a Purse Bid will be ordered,” ayon kay Batista Salas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?