556

Mar 6, 2021 @ 18:24
By

Nicolas Cage nagpakasal sa 26-anyos

Sa ikalimang pagkakataon, nagpakasal muli si Hollywood actor Nicolas Cage.

Sabi sa People report, pinakasalan ni Cage, 57, ang 26-anyos na girlfriend na si Riko Shibata sa isang intimate ceremony sa Wynn Hotel sa Las Vegas noong Feb. 16.

“It’s true, and we are very happy,” pagkumpirma ni Cage sa People.

Ginanap ang seremonya ng kasal nina Cage at Shibata, na taga-Kyoto, Japan, noong February 16 upang bigyang-parangal ang birthday ng namayapang ama ng una.

Ito na ang fifth marriage ng “Face/Off” star makaraang mahiwalay kay Erika Kookie makalipas ang apat na araw lamang na pagpapakasal noong March 2019.

Unang ikinasal ang aktor kay Patricia Arquette (1995-2001), sumunod kay Lisa Marie Presley (2002-2004) at Alice Kim (2004-2016).

May dalawa nang anak si Cage, una ay kay actress Christina Fulton na si Weston, 30.

Sumunod si Kal-El, 15, sa dating asawang si Kim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?