741

Mar 30, 2019 @ 14:55
By

Nicolas Cage, inihayag ang rason sa paghahain ng annulment, 4 araw matapos ikasal

Ipinaliwanag ni Nicolas Cage kung bakit apat na araw pa lang mula nang ikasal kay Erika Koike ay nag-file na siya ng annulment.

Aniya, sobrang kalasingan umano kaya napapayag siyang magpakasal kay Koike.

Naghain ng marriage license noong Sabado sina Cage at Koike, na isang makeup artist, at natanggap nila ang marriage certificate sa araw ding iyon.

Noong Miyerkoles, naghain ng annulment ang 55-anyos na aktor.

Batay sa nakuhang mga court document ng The Blast, sinabi ni Cage na kapwa sila lango sa alak at hindi alam ang kanilang pinaggagagawa.

Sinabi rin ni Cage ang grounds for annulment dahil hindi sa kanya ipinaalam ni Koike na may “criminal history” pala ito kabilang na ang “additional active criminal proceedings.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?