402

By

Nicko Falcis ipinaaaresto na ng korte sa Taguig

Ipinag-utos ng Taguig court ang pag-aresto sa dating business partner ni Kris Aquino kaugnay ng “fraudulent use of access device”.

Inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Judge Felix Reyes ang warrant of arrest laban kay Nicko Falcis dahil sa paglabag sa Access Devices Regulation Act.

Itinakda ang piyansa ni Falcis sa P60,000.

Nakakita umano ng probable cause ang Taguig City prosecutor para isulong ang kasong “access device fraud” at estafa na inihain ni Kris laban kay Falcis.

Batay sa Access Devices Regulation Act, ipinagbabawal ang “fraudulent use of an access device”,  na sa kaso nina Kris at Nicko ay ang paggamit ng credit card ng huli.

Matatandaang naghain ng qualified theft laban kay Falcis si Kris dahil sa hindi umano awtorisadong paggamit ng una sa credit card ng kumpanyang pagmamay-ari ng aktres na umabot umano sa P1.2 million.

Nauna nang ibinasura ng mga korte sa Makati at Pasig ang isinampang kaso ni Kris laban kay Nicko sa pitong siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?