7

By

Nick Jonas super kilig sa Roka ceremony para sa gf

Sharing is caring!

Kinuwento na ni Nick Jonas kung paano nagsimula ang love story nila ng Bollywood actress and former Miss World na si Priyanka Chopra sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon.

Ayon kay Nick, meron silang common friends na matagal na silang gustong i-fix up.

Kahit hindi pa sila nagkakakilala in person, nagte-text na sila sa isa’t isa for six months.

Hanggang sa magkita na sila, face-to-face, sa Met Gala 2017.

“We had a great time but our lives were kind of taking us in different places,” sey ni Nick.

Sa mga sumunod na weeks na nagkakasama sila ni Priyanka, platonic lang daw ang naging relasyon nila. Hanggang sa mauwi na raw sa totohanang romance.

“People thought we were being coy, and so did we until we cut to now and we’re engaged. So, the story sort of wrote itself.  It was kind of immediate, and I think we just knew it was right and jumped right in. And we’re very happy,” ngiti pa ni Nick.

Nagkuwento rin ang singer ng naganap sa engagement party nila sa India na kung tawagin ay Roka ceremony. Ramdam nga ang kilig kay Nick habang nagkukuwento ito.

“But it was really special. And, for she and I, I think it was just nice to be able to have that time with the family first and then be able to share with the world afterwards.

“And then we put it on Instagram and we’re like, ‘Oh my God. It’s official!’” pagtapos pa ni Nick Jonas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?