71

Jul 27, 2018 @ 15:12
By

Nick Jonas, Priyanka Chopra engaged na!

Matapos mag-date ng dalawang buwan, nakatakda nang ikasal sina American singer-songwriter Nick Jonas at Indian actress Priyanka Chopra.

Ayon sa source ng People, engaged na umano ang dalawa, isang linggo na ang nakararaan matapos ang 36th birthday ni Chopra sa London.

Bumili umano si Jonas ng engagement ring sa Tiffany store sa New York City.

Ang engagement ay nangyari matapos magsimulang mag-date ang dalawa noong Mayo.

Nakipaghiwalay si Nick noong 2015 kay American model Olivia Culpo matapos ang dalawang taon na relasyon nito.

Maliban kay Nick, ikakasal na rin ang kapatid nitong si Joe sa fiancée nitong si “Game of Thrones” actress Sophie Turner, na nag-anunsiyo ng kanilang engagement noong Oktubre 2017. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?