13
nick1

Nick Collison ng Thunder, nagretiro na

Sharing is caring!

Matapos ang 15 taon na paglalaro sa NBA, nagdesisyon na si Oklahoma City Thunder forward Nick Collison na hindi na maglaro ng basketbol.

Inanunsiyo ng 37-anyos na si Collison ang kanyang desisyon nitong Biyernes (araw sa Pinas) sa pamamagitan ng kanyang koponan.

“My goal was always to make a career out of basketball and I was blessed to be in the NBA for 15 seasons,” ani Collison sa kanyang statement.

Hindi naman sinabi ng 6-foot-10 na si Collison ang rason ng kanyang pagreretiro.

Nag-average siya noong 2007-08 ng 9.8 points at 9.4 rebounds.

Kinuha siya noon ng Seattle Supersonics taong 2003 bilang No. 12 overall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?