412

Dec 27, 2017 @ 16:43
By

Nicanor Faeldon may bagong puwesto sa gobyerno

Muling binigyan ng puwesto sa gobyerno si dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon.

Sa inilabas na mga bagong appointees ng Malacañang, kasama ang pangalan ni Faeldon sa mga binigyan ng panibagong puwesto bilang Deputy Administrator III ng Office of Civil Defense (OCD).

Papalitan ni Faeldon si Rodolfo Demosthenes Santillan.

May petsang December 22 ang inilabas na appointment paper ni Faeldon na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang pamunuan ni Faeldon sa BOC matapos makapuslit ang isang container van na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon .

Buwan ng Agosto nang magbitiw sa puwesto si Faeldon dahil sa kontrobersyal na smuglling ng shabu at ipinakulong ito sa Senado dahil sa pagtangging humarap sa imbestigasyom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?