29

Nov 28, 2020 @ 13:13
By

NIA nagbabalaha ng pagbaha: Magat Dam nagpakawala ulit ng tubig

Pinaghanda ang mga residente na posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam nitong Sabado.

Ayon sa nilabas na notice ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MRIIS), sinabi na posibleng magdulot ng pagbaha ang papakawalang halos 800 cubic meter kada segundo na tubig.

Binuksan ang dalawang gate sa naturang dam ng dalawang metro at naglalabas ito ng aabot sa 786 cubic meter kada segundo.

Kaya naman binalaan ang mga residente ng Cagayan na posibleng magkaroon ng pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2075505305912880&set=gm.826578091473543&type=3&theater

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?