zamboanga-housing
By

NHA, hugas-kamay sa substandard na Zamboanga housing project

Sharing is caring!

Itinuro ng National Housing Authority (NHA) ang kontratista na siya umanong responsable sa umano’y substandard na housing project sa Zamboanga City.

Sa pagdinig ng housing committee ng Kamara na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, sinabi ni Atty. John Mahamud ng NHA na hanggang ngayon ay hindi pa naita-turn over sa NHA ang proyektong pabahay.

Ayon naman kay dating NHA General Manager Chito Cruz, aprubado ng NHA at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng kahoy sa pabahay para sa mga Badjao sa Zamboanga City.

Napagkasunduan anya ito base na rin sa karanasan sa wooden housing units na itinatayo para sa mga Badjao sa Sulu na wala namang negatibong reports.

Gayundin, para sa kahoy na pabahay lamang umano kakasya ang budget.

Samantala, overloading ang itinurong dahilan ni Cruz kaya bumigay ang tulay sa Rio Hondo kung saan nadisgrasya sina Benitez, Cong. Celso Lobregat at Mayor Beng Climaco.

Ang kasya lamang daw sa tulay ay 7 hanggang 8 tao kaya noong tumawid ang grupo nina Benitez ay natanggal ang cross bracing, dahilan para mag-collapse ang tulay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?