43

Nov 29, 2021 @ 22:30
By

Ngitngit ng mga netizen: TJ Valderrama inulan ng eviction vote

Sa pamamagitan ng eviction vote, ipinakita ng mga netizen ang ngitngit sa “Pinoy Big Brother” (PBB) housemate na si TJ Valderrama.

Habang sinusulat ito, mayroon nang mahigit isang milyong boto si TJ para masipa sa show.

Kulelat din siya sa “Vote to Save” category.

Nag-trending din sa Twitter ang hashtag na “BBE TJ”.

Dahil dito, nanawagan si TJ sa kanyang mga supporter.

Maliban kay TJ, kabilang sa namemeligrong magpaalam sa Bahay ni Kuya sina Samantha Bernardo, Karen Bordador at Alexa Ilacad.

Matatandaang naging hot topic din sa Twitter kamakailan si TJ dahil sa “pananamantala” umano sa kapwa “PBB” housemate na si Shanaia Gomez, kung saan pati ang Gabriela Women’s Party ay nag-react dito.

Itinanggi naman ng “PBB” ang mga akusasyon laban kay TJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?