643

Aug 22, 2018 @ 11:18
By

‘Ngayon at Kailanman’ ng JoshLia, kinabog ang ‘Onanay’

Kinabog ng teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na “Ngayon at Kailanman” ang katapat nilang “Onanay” na pinagbibidahan ng Superstar na si Ms. Nora Aunor sa pilot episode nu’ng Monday (August 20).

Ang “Ngayon at Kailanman” ay first teleserye ng JoshLia tandem after ng four movies nilang pinagsamahan.

Nakakuha ng rating ang “Ngayon at Kailanman” ng 31.2 percent kumpara sa “Onanay”na 17.3 percent.

Nagpapasalamat ang Star Creatives sa mga sumubaybay ng “NAK”.

Promise nila na mas magiging intense ang bawat episode ng teleserye.

Ang character ni Julia ay bilang si Eva at Inno naman si Joshua.

Marami ang nagtatanong, bakit panay patayan agad ang pinakita sa pilot episode.

Pero, nasasagot ito sa bilis ng pacing ng teleserye.

Mga mahuhusay na artista ang pinagsama ng Kapamilya Network para sa teleserye.

Sina Iza Calzado, Alice Dixson, TJ Trinidad, Rosemarie Gil, Christian Vasquez, Manuel Chua, Mercedes Cabral, Sophia Reola, atbp.

Si direk Mae Cruz-Alviar at Efren Vibar ang direktor ng “NAK” na napapanood pagkatapos ng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?