27
Nganga pero proud si Mascariñas sa PH 3X3
By ,

Nganga pero proud si Mascariñas sa PH 3X3

Balik-bansa na ang dalawang tropa na kumatawan sa bansa sa katatapos lang 2019 FIBA 3×3 World Tour Masters sa Doha, Qatar.

Nasa bansa na muli ang Pasig Chooks – na kinabibilangan nina Joshua Munzon, Taylor Statham, Angelo Tsagakaris at Nikola Pavlovic – at ang Balanga Chooks – nina Alvin Pasaol, Santi Santillan, Karl Dehesa at Travis Franklin.

Sa isinagawang welcome dinner at press conference nitong Martes sa Fab Restaurant sa Holiday Inn sa Manila Galleria sa Ortigas, kumpletong dumating ang mga manlalaro na nagpahanga sa buong mundo.

“To all of you, thank you very for representing our country. You make us all proud,” wika ni Chooks-to-Go president at Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascarinas.

“From rank 49 in the start of the year, we are now rank 31 (in the world), 18 ranks higher. We do believe we’ve be in top 24 in the world and we have a chance to be invited in the final Olympic qualifier in March next year.”

Nanggulat ang dalawang tropang ito sa torneo ng magawa nitong parehong makalusot sa quarterfinals, napabagsak ng Pasig ang world no. 1 na Liman ng Serbia at Katara ng Qatar sa eliminations ng torneo habang napada naman ng Balanga ang Riga Ghetto ng Latvia at Inanomo ng Moscow.

Pagpasok sa quarters ay hindi muli naulit ng dalawang tropa ang kanilang Cinderella run nang tuluyan na itong natalo ng kani-kanilang kalaban.

Bigo man na masungkit ang titulo ay marami namang napabilib at napahanga ang tropa at pinatunayan nito na kayang sumabay ng mga Pinoy pagdating sa 3×3 basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?