56

By ,

Ngalngal ng mga netizen: Warriors-Bucks sa finals

Matapos walisin ang Portland Trail Blazers sa kanilang Western Conference Finals, balik-NBA finals ang Golden State Warriors sa ikalimang sunod na taon.

Ngayon naghihintay na lamang Golden State kung sino sa Milwaukee Bucks at Toronto Raptors ang makakaharap nito sa season finale ng liga, pero para sa ilang NBA fans, nararapat lang na ang Bucks ang makasagupa nito sa Finals.

Kasalukuyang table sa 2-2 ang Eastern Conference finals sa pagitan ng Milwaukee at Toronto.

Ayon sa tweet ni ThrowDemHornsUp (@ajmcguffiniclo1): “A Warriors vs Bucks series will be a great one to watch for sure. #CantWait #NBAPlayoffs #NBAFinals.”

Para naman kay Emin (@TweeterOfFoes) Bucks ang dapat makatungtong sa championship: “@Bucks for the championship! #NBAPlayoffs.”

Tweet naman ni Alexa (@GoBlueLexi117): “Bucks vs. Warriors is going to be a hell of a NBA finals series.”

At para naman kay Reg (@REGGIES_WORLD), hinahanda niya na ang kanyang sarili sa potensyal na Bucks vs. Warriors finals series; “I very much am looking forward to a potential Bucks vs Warriors NBA Finals matchup.”

Mukhang magiging mahirap para sa Bucks ni Giannis Antetokounmpo na agarang manakaw ng huling finals spot dahil naitabla ng Raptors ni Kawhi Leonard ang serye 2-2 nang pabagsakin ng Toronto ang Milwaukee, 120-102, Martes (Miyerkoles sa Pilipinas).

Biro nga ng ilan, mahaba-haba ang magiging pahinga ng Warriors dahil siguradong aabot sa Game 7 ang serye ng dalawang tropa sa Eastern Conference Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?