87

Feb 4, 2018 @ 17:23

NFL: Tom Brady nasungkit ang 3rd MVP

Sa ikatlong pagkakataon, nahirang na Most Valuable Player ng National Football Leage si cng New England Patriots, isang araw bago ang kanilang laban sa championship kontra Philadelphia Eagles.

Ang quarterback ng Patriots na si Brady ay naging MVP rin noong 2007 at 2010.

Kasama ni Brady na binigyan ng award ang mga miyembro ng Los Angeles Rams: Coach of the Year Sean McVay, Offensive Player of the Year running back Todd Gurley at Defensive Player of the Year tackle Aaron Donald.

Ang iba pang winners ay sina Los Angeles Chargers receiver Keenan Allen bilang Comeback Player; New Orleans running back Alvin Kamara at cornerback Marshon Lattimore bilang top offensive at defensive rookies, at dating Minnesota Vikings offensive coordinator Pat Shurmur, na ngayon ay head coach na ng New York Giants, bilang Assistant Coach of the Year.

Si Brady ay ikalawang player sa apat na major professional sports na nanalo ng MVP sa edad na 40. Nakuha din ito ni Barry Bonds nang maging MVP sa MLB noong 2004.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?