17

Jan 23, 2020 @ 21:56
By

NFL player wanted sa pambubugbog

May warrant of arrest si NFL (National Football League) wide receiver Antonio Brown tapos ireklamo, kasama ng kanyang trainer, ng pambubugbog ng isang lalaking nakatira malapit sa bahay ng una sa Florida.

Sa isang news release nitong Miyerkoles, sinabi ng Hollywood (Florida) police na nahaharap sa kasong burglary with battery, burglary of an unoccupied conveyance at criminal mischief si Brown.

Martes rumesponde ang pulisya sa ulat na sinaktan umano nina Brown at trainer niyang si Glen Holt ang ‘di pinangalanang biktima. Inaresto tapos si Holt at kinasuhan ng one count ng burglary with battery.

Free agent sa kasalukuyan si Brown, naka-nine seasons sa Pittsburgh Steelers. Nai-trade siya sa Oakland Raiders noong isang taon pero ni-release din bago pa makapaglaro sa regular season tapos ng ilang off-the-field incidents.

Sinalo siya ng New England Patriots pero ni-release din noong September

tapos lumantad ang ikalawang babae sa loob ng 10 araw na nag-akusa sa kanya ng sexual misconduct.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?