14

Apr 15, 2020 @ 13:01
By

NFA walang palya sa pagbibigay ng impormasyon

Nilinaw ng National Food Authority na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa mga naapektuhan ng pandemic COVID-19.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, hindi sila pumalya sa pagbibigay ng impormasyon sa mga LGUs ukol sa mga usaping pagdi-deliver ng mga pagkain partikular na sa bigas.

“Bilang miyembro ng IATF, nagbibigay kami ng impormasyon linggo-linggo, kung minsan kinakailangan araw araw sa mga katayuan po ng ating mga kailangan ng LGUs,” pahayag ni Administrator Judy.

Dagdag pa niya, “Ang pakikipag-ugnay po namin sa kanila ay kung anuman ang mga challenges na mai-encounter namin sa pagdedeliver ng bigas – galing po sa mga probinsya na nagsu-supply ng bigas lalo na dito sa NCR.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?