97
nfa-national-food-authority
By

NFA umamin: 4M sako ng imported rice nakatengga pa sa warehouse

Ginisa sa Senado nitong Miyerkoles ang National Food Authority (NFA) dahil sa kabiguang ibenta ang apat na milyong bag ng imported na bigas o nasa 290,000 tonelada.

Sa ginawang pagdinig ng Senate committee on agriculture and food, naitanong ni Senador Imee Marcos kung gaano karaming sako ng imported rice ang nasa warehouse pa nito.

“Four million bags pa. Naobliga naman po na bumili si NFA pero sa ngayon hindi na nag-i-import,” saad ni NFA administrator Judy Carol Dansal.

Ani Dansal, nag-import sila ng 1.25 milyong tonelada ng bigas na dumating noong Abril at 290,000 lang nasa kanilang mga warehouse.

Kasalukuyan umanong nasa warehouse pa ang mga imported rice kung saan bumibili sila ng palay at bigas sa mga local farmer.

Giit ni Marcos, kung ibebenta umano ang mga nakatenggang imported rice ay aabot ito sa P6 billion na magagamit ng NFA ang pera para bumili naman ng bigas sa mga local farmer.

“Andami mo nang pera kung ibenta sana nang paspasan. ‘Wag na hintayin na kunwari mabubulok at io-auction,” ani Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?