21

By

NFA ‘nakuyog’ sa economic meeting

Nagkaisa ang Economic Development Cluster (EDC) ng gabinete na tanggalin ang lahat ng ‘regulatory power’ ng National Food Authority.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia na nais ng EDC na limitahan na lang sa pag-iimbak ng bigas ang mandato ng NFA.

Ayon kay Pernia, sumentro sa kanilang pagpupulong ang pagpapatupad ng rice tarrification system at putulin na ang quantitative restriction (QR) mode sa pag-aangkat ng bigas.

Sa Mababang Kapulungan, naaprubahan na ang rice tarrification bill ngunit hindi binago ang mandato ng NFA, samantalang sa Senado naman ay nakabinbin pa ang panukala at inaalis na ang kapangyarihan ng NFA na mag-isyu ng permit para sa rice importation.

Samantala, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na mapapababa ng rice tariffication at ang mabilis na pag-aksyon ng NFA sa rice imporation permits ang namamayaning mataas na inflation sa bansa.

Ilang miyembro ng gabinete ang nagsabi na ang kapalpakan ng NFA sa pagmentina ng sapat na suplay ng bigas ang dahilan kayat mataas ang inflation rate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?