104
nfa-national-food-authority
By

NFA magluluwag sa mga local trader sa pag-angkat ng bigas

Tinanggal na ng National Food Authority (NFA) Council ang siyam sa 14 requirements para makapag-angkat ng bigas ang mga lokal na negosyante.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol, ginawa nila ito para dumami ang imported rice sa bansa.

Ayon pa kay Piñol ang lahat na interesadong magpasok ng bigas mula sa ibang bansa ay kailangan lang makasunod sa mga requirement.

Dagdag pa nito bubusisiin nila ang kita ng mga negosyante at ang kanilang komputasyon sa maari nilang maging kita sa pag-angkat ng bigas.

“This will eliminate the fly-by-night importers because now, under the new guidelines, we should be able to see their total net income amounting to 10 percent of the value of what they will import,” paliwanag ni Piñol.

Hindi na rin aniya uubra ang modus ng ilang kooperatiba na hihingi ng alokasyon ngunit ipagbibili lang ang kanilang permit.

Samantala, sa darating na linggo ay kinakailangan na magsagawa muli ng bidding ang NFA matapos ang dalawang sunod na kabiguan na makakuha ng magbebenta ng murang bigas sa Pilipinas.

Kapwa mataas ang hinihingi ng Vietnam at Thailand sa presyo na itinakda ng NFA para sa karagdagang 203,000 metriko tonelada ng bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?