12
nfa-da
By

NFA, isinailalim sa Department of Agriculture

Sharing is caring!

Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture (DA) ang National Food Authority (NFA).

Ang aksiyon ng Pangulo ay matapos pulungin ang NFA Council sa Malacañang kasama ang ilang rice traders.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod sa NFA ay kasama ring inilagay sa pangangasiwa ng DA ang Fertilizers and Pesticides Authority at Philippine Coconut Authority.

Ayon kay Roque, ayaw ni Pangulong Duterte ng maraming ahensiya na nakakabit sa Office of the President (OP).

Ang mga nabanggit na ahensiya ay inilipat sa OP noong italaga si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilingan bilang Presidential Adviser on Food Security and Agricultural Modernization.

“The discussion was actually—started with the President saying that he does not want to be saddled with too many agencies under the Office of the President. These other agencies were only brought to the Office of the President at the time when Senator Kiko Pangilinan was then appointed as Presidential Adviser and made to the supervise agencies which originally were under the DA, but were brought under the aegis of the office of then Presidential Adviser Kiko Pangilinan,” ani Roque.

Dahil nasa DA na ang NFA, sinabi ni Roque na hindi na magiging bahagi ng NFA Council si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco.

“Now because the NFA is now under the Department of Agriculture anew, the Cabinet Secretary Leoncio V. Evasco will no longer be part of the NFA Council,” dagdag pa ni Roque.

Nagpasalamat naman si Evasco kay Pangulong Duterte sa tiwalang ibinigay sa kanya para pamunuan ng isang taon at kalahati ang NFA Council. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?