4

By

NFA dapat bumili lang ng palay sa mga lokal na magsasaka – Nograles

Sharing is caring!

Kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang restrictions sa pag-aangkat ng bigas, iginiit ni Davao City Rep. Karlo Nograles na dapat eksklusibong bumili ng palay ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng National Food Authority sa mga lokal na magsasaka para sa buffer stocks.

Ayon kay Nograles, lubhang nag-aalala ang mga magsasaka sa epekto ng pagtanggal sa quantitative restriction (QR) para sa importasyon ng bigas.

Sinabi ito ng kongresista kasunod rin ng hakbang ng DA na taasan ng tatlong piso kada kilo ang buying price ng palay.

Sampung taon na aniya ang nakalipas nang huling itaas ng NFA ang halaga ng pamimili ng palay sa mga lokal na magsasaka, at mula noon ay mas pinili ng ahensya na mag-angkat para punan ang kanilang buffer stocks.

“With the expected flooding of cheap imported rice in the country it would become close to impossible for our local farmers to compete, unless they get help from the government. Walang ibang bibili ng palay sa ating mga magsasaka kundi ang ating pamahalaan kapag sobrang baba na ang presyo ng bigas sa merkado,” ani Nograles.

Dahil sa liberalization ng rice importation, inaasahan anyang mas babagal ang produksyon ng bigas sa bansa kaya naman kailangan ang intervention ng gobyerno sa pamamagitan ng incentives at iba pang oportunidad para sa mga magsasaka.

Iginiit nito na gamitin ang pondong malilikom sa buwis sa importasyon ng bigas, para sustentuhan ang pamimili ng palay sa mas mataas na halaga sa mga magsasaka bilang tulong sa mga ito na maibaba ang halaga ng farm inputs at mapataas ang produksiyon ng palay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?