27

By

NFA Council bubuwagin ng Kamara – Speaker Arroyo

Sharing is caring!

Tatrabahuhin ng Kamara ang pagbuwag sa National Food Authority (NFA) Council.

Tiniyak ito ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo alinsunod sa naisin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, if he asks for it, then we will work on it,” ani Arroyo.

Ang NFA council ang sinisisi sa krisis sa bigas na pinalala pa ng mataas na inflation.

“Remember when I was in Pampanga I was asked, I’m neither here nor there. It can be abolished, it can be retained. “[But] if it’s a President’s policy call, we will work on it,” sabi ni GMA.

Ang NFA council ay binubuo ng 11 ahensya ng gobyerno kabilang ang NFA, National Economic Development Authority (NEDA), Development Bank of the Philippines (DBP), Office of the President (OP), at Department of Trade and Industry (DTI).

Una rito, hiniling ng hanay ng minorya sa Kamara na magbitiw na lang ang mga opisyal ng NFA at NFA council dahil sa kabiguang malutas ang problema sa kakulangan ng bigas gayundin sa polisiya ng importasyon sa halip na protektahan ang mga lokal na magsasaka gayundin sa pagsusulong na gawing legal ang smuggling sa ilang bahagi ng Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?