83

Sep 12, 2018 @ 13:18
By

NFA Admin Aquino dapat kasuhan, huwag i-recycle – Pangilinan

Mariing sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na hindi sapat na tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaalam ni National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino.

Giit ni Pangilinan, dapat ay sibakin at sampahan ng mga kasong kriminal si Aquino dahil sa katiwalian at kapalpakan.

Dahil sa umano’y mga sablay at katiwalian ni Aquino, natuyuan ng imbak na bigas ang NFA, nawalan ng NFA rice sa pamilihan kaha tumaas ang presyo ng commercial rice.

Iginiit din ni Pangilinan sa Malacañang na huwag nang bigyan muli ng pwesto sa gobyerno si Aquino gaya ng ibang sinibak ng pangulo.

“File charges against the NFA Administrator. Don’t recycle him and reappoint him to another government position,” giit ni Pangilinan.

Habang nalalapit nang palitan si si Aquino, sinabi ni Pangilinan na kailangan na ring atupagin ng gobyerno ang krisis sa bigas.

“Acknowledge the rice crisis. What explains the high prices? Even if there are grains in the market, what the people need are those they can afford with their meager income. We need are quick and concrete responses to this gut issue,” giit ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?