8
nfa-national-food-authority
By

NFA aangkat muli ng 500K metriko toneladang bigas

Sharing is caring!

Para hindi na maulit ang pagkaubos ng murang bigas sa mga pamilihan, binabalak ng National Food Authority (NFA) na muling mag-angkat ng kalahating milyong metriko tonelada ng bigas.

Katuwiran ng NFA, para hindi rin umano maubos ang buffer stock ng kanilang bigas bago matapos ang taon.

Sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino, isusumite niya sa NFA Council ang kanilang plano sa kanilang regular meeting at aniya makakabuti kung darating ang mga bagong angkat ng bigas sa huling tatlong buwan ng taon.

Dagdag pa nito, ayaw din nilang mapatagal ang distribusyon ng imported rice dahil sa ulan kaya’t maaga na silang nagpaplano.

Binanggit pa nito na ang rice importation ay kanilang back-up plan dahil malamig ang NFA Council sa kanyang hiling na itaas sa P25 mula sa P17 ang pagbili nila ng palay sa mga lokal na magsasaka.

Aniya, nahihirapan silang makipagkompetensiya sa mga pribadong negosyante dahil mataas ang alok ng mga ito sa palay ng mga magsasaka.

Ang katuwiran aniya ng NFA Council sa kanilang pagkontra ay tataas ang halaga ng bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?